USAPANG UTANG!
Kailan maaaring magpataw ng interes ang isang creditor kung ikaw ay may utang?Ayon sa ating batas*, kailangan na nasa kasulatan o “expressly stipulated in writing” ang pagpapataw ng interes. Ibig sabihin, kailangan na may pinirmahang kasulatan patungkol sa pagpapataw ng interes upang ito ay magkaroon ng bisa. Kung walang ganitong kasulatan, hindi maaaring patawan ng interes ang pagkakautang.
*Article 1956, Civil Code of the Philippines – No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing.
Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM.