Blog

USAPANG TRABAHO: BAWAL BAWASAN O TANGGALAN NG MGA BENEPISYO ANG MGA EMPLEYADO!

Ang Non-Diminution Rule na makikita sa Artikulo 100 ng Labor Code ay nagbabawal sa mga employer na tanggalin o bawasan ang mga benepisyong natatanggap ng kanilang mga empleyado. Ang patakaran na ito ay ipinapatupad lamang kung ang benepisyo ay nakabase sa isang polisiya, kontrata, o naging kaugalian na sa kumpanya.*

*Dapat ay mayroong sapat na ebidensya upang mapatunayan na ang kaugaliang ito ay matagal nang ginagawa nang tuloy-tuloy at may pagsasadya sa loob ng kumpanya.

Kung may tanong pa tungkol dito o kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.