Blog

USAPANG SEARCH AND SEIZURE – SEARCH WARRANT

Kailan masasabing legal ang search at seizure na isinagawa ng mga law enforcement officers sa nakaasaad na lugar (hal. inyong bahay)?

– Isinagawa ito sa presensya na naninirahan sa bahay, o hindi kaya miyembro ng pamilya nito, o kung wala pa rin, (2) dalawang kapitbahay o kabarangay ng naninirahan

– Isinagawa ito ng umaga/hapon (maliban nalang kung tahasang nakaasaad na maaaring gawin ang search na kahit anong oras)

– Isinagawa 10 araw mula sa date of issuance na nakasaad sa search warrant, o bago matapos ang 10 araw na ito.

Paano malalaman kung valid ang search warrant?

– Ito ay galing sa judge o hukom at may pirma nito.

– Naka-address ito sa law enforcement officers (hal. pulis)- May nakasaad na tiyak na lokasyon at tiyak na mga bagay

Kung may karagdagan ka pang katanungan tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM ka lang sa akin! Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka rin na mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.