USAPANG RELEASE ORDER
Kinakailangan pa ba ng utos ng hukuman o Release Order upang mapalaya ang isang person deprived of liberty (PDL) kung nakumpleto niya na ang pagseserbisyo ng kanyang sentensya?
Sa ngayon ay hindi na kinakailangan ng utos ng hukuman o na antayin pa ang Release Order upang mapalaya ang isang PDL kung nakumpleto niya na ang pagseserbisyo ng kanyang sentensya.
Ayon sa Office of the Court Administrator (OCA) Circular No. 201-2022 na lumabas kamakailan lamang, pinahihintulutan ng korte na mapalaya ang isang PDL kapag nakumpleto na niya ang nakatakdang oras ng kanyang pagkakakulong o jail time. Ang isang Release Order ay hindi kailangan para burahin ang pananagutang kriminal ng isang tao o upang siya ay palayain mula pagkakakulong.
Kung may tanong ka tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado mula 8am hanggang 4pm tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Pwede ka ring mag-text sa aming mga textline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun
PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm.