USAPANG PAG-ARESTO: KAILAN PINAPAYAGAN ANG PAG-ARESTO NANG WALANG WARRANT OF ARREST?
Ayon sa batas, ang pag-aresto nang walang Warrant of Arrest ay papayagan lamang sa mga sumusunod na pagkakataon:
1. Kapag sa harap ng isang alagad ng batas, ang taong aarestuhin ay gumawa, gumagawa, o gagawa ng isang bagay na labag sa batas;
2. Kapag may naganap na paglabag sa batas at ang alagad ng batas ay may sapat na batayan upang isipin o paniwalaan base sa mga pangyayari sa kanyang harapan, na ang taong kanyang nais arestuhin ang siyang gumawa ng pagkakasala; at
3. Kapag ang taong aarestuhin ay isang bilanggo na nakatakas sa bilangguan o siya ay tumakas habang ibinabyahe papunta sa bilangguan.
Kung may katanungan ka pa tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2pm.