USAPANG NEGOSYO
USAPANG NEGOSYO: PWEDE BANG MAGSARA ANG ISANG NEGOSYO NANG HINDI PAGKALUGI ANG DAHILAN?
PWEDE PO!
Maaaring magsara nang naaayon sa batas ang employer kahit na hindi ito dahil sa malubhang pagkalugi, ngunit dapat ay magbigay pa rin ng separation pay sa lahat ng mga apektadong empleyado na katumbas ng hindi bababa sa isang buwang sahod ayon sa Artikulo 298 (dating 283) ng Labor Code.
Kung ang pagsasara o pagtitigil ng operasyon ng establisyimento ay dahil sa malubhang pagkalugi, dapat patunayan ng employer ang mga paratang na ito upang maiwasan ang pagbabayad ng separation pay. Kung hindi ito magawa, karapatan ng mga apektadong empleyado ang makatanggap ng separation pay. Ang pagpapatunay ng pagsunod sa mga nasabi sa itaas ay pasanin ng employer.
Kung may katanungan ka pa tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2pm.