USAPANG CHILD SUPPORT AT CHILD CUSTODY
Kapag ang mga magulang ng bata ay hindi kasal, ang sole parental authority ay nasa nanay, at ang tatay ay may karapatang bumisita. Hindi maaaring tanggalan ng kustodiya ang nanay kung hindi mapapatunayan na siya ay “unfit” o walang kakahayang alagaan at palakihin ang kanyang anak. Halimbawa, kung ay nanay ay sobrang palainom, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, iniiwan at hindi inaalagaan ang bata, ito ang mga halimbawa ng pagiging “unfit” at maaaring ibigay ng korte ang pangangalaga sa ama.
Sa usapin din ng sustento, maaaring i-order ng korte na magbigay ng sustento ang isang magulang kahit na wala sa kanya nag kustodiya ng bata, batay sa mga sumusunod:
1. Financial resources o kakayahang pinansyal ng magulang na magbibigay ng sustento.
2. Mga pangangailangang pisikal, emosyonal at espesyal ng bata, depende sa kanyang edad at kalagayan.
3. Klase ng buhay ng nakasanayan ng bata.
4. Iba pang kontribusyong maaaring ibigay ng mga magulang na makakapagbigay ng kalinga at makakatulong sa “well-being” ng bata.
Kung nais mo ring sumali sa aming FB Group, para sa libreng legal advice at para makausap ang ibang babaeng maaaring nasa parehang sitwasyon ito ang link: bit.ly/FreeLegalAdviceforWomen
Pwede ka ring mag-PM sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka at sagutin ang iyong mga katanungan!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.