Blog

Tisya Hustisya – USAPANG TRABAHO

Para sa pagtatanggal sa employment base sa mga makatwirang rason, ang mga sumusunod ay kinakailangang tuparin:

1. Dapat ay mayroong written notice sa empleyado na naghahayag ng sanhi ng termination, at dapat ay mabigyan ang empleyado ng sapat na pagkakataon upang maipaliwanag ang kanyang panig.
2. Dapat ay may hearing o conference kung saan ang empleyadong apektado, sa tulong ng isang abogado kung nais, ay mabigyan ng sapat na pagkakataon na tumugon sa pinaratang, ipakita ang kanyang mga ebidensya, o pabulaanan ang ebidensyang ipinakita laban sa kanya.

Dapat ay mabigyan ang empleyado ng dalawang written na notice bago magkabisa ang kanyang termination.

1. Isang written notice na nagpapaalam sa empleyado ng kanyang mga kilos o mga pagkukulang na naging dahilan ng kanyang pagkakatanggal sa trabaho.
2. Isang written notice na nagpapaalam sa employee sa desisyon ng employer na tatanggalan siya ng trabaho.

Kung may tanong pa tungkol dito o kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.