Blog

TISYA HUSTISYA – Usapang Search Warrant

Anu-ano ang mga bagay na maaaring kunin o halughugin ng mga alagad ng batas sa ilalim ng bisa ng isang search warrant?

1. Mga bagay na mismong paksa ng hinihinalang krimen na naging dahilan ng pag-isyu ng search warrant (halimbawa: droga o iba pang mga ipinagbabawal na gamot);
2. Mga bagay na nakaw o nalikom o produkto ng ginawang krimen na siyang paksa ng search warrant;
3. Mga bagay na ginamit o maaaring gamitin upang gumawa pa ng krimen (halimbawa: mga parapernalya sa paggamit ng droga)

Kung may nais kang itanong tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya page. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas Lunes hanggang Sabado mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM.

#TisyaHustisya
#RightsMoSagotKo

Source: Section 3, Rule 126, Rules of Court