Tisya Hustisya – Usapang Checkpoint
Ano ang maaaring i-check ng mga alagad ng batas sa mga checkpoints?
Ang mga checkpoints ay limitado lamang sa tinatawag nating “visual searches”. Ibig sabihin, maaaring iutos ng mga alagad ng batas na ibaba ang bintana ng sasakyan at silipin ang loob, ngunit hindi obligado ang mga pasahero na bumaba at hindi rin sila maaaring kapkapan kung walang search warrant.
Hindi din maaaring halughugin o maghanap ang mga alagad ng batas ng mga kagamitan sa loob ng sasakyan kung wala silang dalang search warrant.
Kung may nais kang itanong tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya page. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas LUNES – BIYERNES mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM.
Source: Valmonte vs. De Villa, GR No. 83988