Blog

Tisya Hustisya – Safe Spaces Act

Paano magsampa ng kaso kung ikaw ay nakaranas ng harassment na pasok sa Safe Spaces Act?

1. Mag-report sa pinakamalapit na presinto at hanapin ang PNP Women and Children’s Desk.

2. Ilahad sa mga pulis ang mga detalye ng pangyayari at magpagawa ng police blotter.

3. Ang mga pulis ang siyang dapat makipag-coordinate sa mga Anti-Sexual Harassment Enforcers (ASHE) officers, security guards ng mga establisyemento, at mga anti-sexual harassment officers sa gobyerno, private offices o schools upang tumulong na makakuha ng iba pang mga ebidensya (Section 32, Safe Spaces Act)

4. Pagkatapos nito, maaaring magpatulong sa abogado upang makagawa ng Complaint-Affidavit na ipapasa naman sa Prosecutor’s Office. Nakalahad sa Complaint-Affidavit ang salaysay ng pangyayari, at maiging isama na rin ang salaysay ng mga witnesses o mga nakakita, pati na rin ang iba pang mga ebidensya katulad ng mga video footage na kuha ng CCTV.

Kung may karagdagan ka pang katanungan tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para sagutin ang iyong mga katanungang may kinalaman sa batas.

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.