Tisya Hustisya Privacy Agreement
Ang Tisya Hustisya brand at Chatbot ay isang proyekto at pagmamay-ari ng Initiative for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), Inc. Bilang isang organisasyon, ang IDEALS, Inc. ay hindi lamang nandito para magbigay ng kaalaman tungkol sa mga karapatan at obligasyon ng mga tao sa ilalim ng batas, datapwat nakatuon din kami sa paggalang sa mga karapatan pantao o Human Rights ng bawat tao, tulad ng karapatan sa informational privacy na nakasaad sa Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Kaya naman, kami ay naghanda ng ating Privacy Agreement.
Ang Privacy Agreement na ito ay nilalaman ang nananaig na polisiya ng IDEALS, Inc. para kay Tisya Hustisya tungkol sa pagkolekta, paggamit, at pag-protekta sa iyong Personal Information na aming hinihingi bago kami magbigay ng serbisyo sa iyo at para sa aming mga layunin na lehitimo at legal. Paminsan-minsan, babaguhin namin ang Privacy Agreement na ito ayon sa mga pagbabago sa aming polisiya at sa batas. Sa mga pagkakataon na ito, kayo ay aming bibigyan ng anunsyo tungkol dito sa aming website para sa iyong impormasyon at reperensya.
[The Tisya Hustisya brand and chatbot is a project operated and owned by the Initiative for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), Inc. As an organization, IDEALS, Inc. is here not only to educate the general public of their rights and obligations under the law, but also to be on the forefront of respecting Human Rights of every person, such as the right to information privacy as embodied in Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act of 2012. Hence, we have this Privacy Agreement.
This Privacy Agreement contains the prevailing policy of IDEALS, Inc. for Tisya Hustisya with respect to the collection, use and protection of your Personal Information which we will collect prior to you receiving our service/s and to achieve our legitimate and legal goals. From time to time, we will make amendments to this Privacy Agreement in accordance with the changes in our policy and the law. In that case, we will give you notice of such changes in our website for your information and reference.
Naniniwala ang IDEALS, Inc. na sa panahon ngayon ng Information and Communication Technologies, napaka-importante ng Data Privacy. Kaya naman, nasa tuktok ng aming isipan ang inyong mga karapatan sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012.
Kasama sa pagbigay mo ng pagsang-ayon na aming kolektahin, i-proseso, gamitin, at ibahagi ang iyong Personal Information at ng iyong Personal Information mismo ay ang pagtanggap mo rin ng mga nakasaad dito sa Privacy Agreement na ito. Kaugnay nito, nais namin maging malinaw na ikaw ay may mga karapatan kaugnay sa pagbahagi mo ng iyong Personal Information. Ito ay ang mga sumusunod:
- Ikaw ay may karapatan na mabigyan ng kaalaman tungkol sa mga Personal Information na aming kinokolekta, pinoproseso, nagagamit, at naibahagi sa ibang tao o organisasyon. Bibigyan ka namin ng kaalaman tungkol sa nasabing Personal Information mo hangga’t ang impormasyon na iyong hingin ay hindi kumpidensyal na pagmamay-ari ng IDEALS, Inc, o ang iyong kahilingan sa gayong impormasyon ay hindi para maka-dulot ng pagka-inis or walang sa katwiran;
- Ikaw ay may karapatan na tumanggi o hindi ibigay ang inyong pagsang-ayon sa pagkolekta, pag-proseso, paggamit, at pagbabahagi ng iyong Personal Information. Ngunit, sa iyong pagtanggi o hindi pagsang-ayon, kami ay maaaring mapilitan na hindi kayo paglingkuran at bigyan ng aming serbisyo;
- Ikaw ay may karapatan na ipa-suspinde, i-atras, o ipag-utos ang pagharang, pagtanggal, o ang pagbura ng iyong Personal Information na nasa processing system namin kung iyong malaman, suportado ng karampatang ebidensya, na ang iyong Personal Information ay hindi na kailangan para sa mga layunin para sa pagkolekta nito, at para sa mga dahilan na nakasaad sa Data Privacy Act of 2012; at
- Ikaw ay may karapatan para maghabol ng danyos para sa pinsala na maaari mo matanggap mula sa hindi tumpak, hindi kumpleto, hindi napapanahon, mali, nakuha ng ilegal, o paggamit ng walang pahintulot ng iyong Personal Information.
Maliban sa mga nabanggit, mayroon ka pang ibang Data Privacy Rights. Para sa kumpletong reperensya ng iyong karapatan sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012, maaari ka magtungo sa website ng National Privacy Commission sa www.privacy.gov.ph. Sakali na sa iyong paningin ay nagkaroon ng hindi karapat-dapat o maling paggamit ng iyong Personal Information, o ang isa sa iyong mga Data Privacy Rights ay hindi nirerespeto, maaari ka makipag-ugnayan sa amin.
[IDEALS, Inc. believes that in this era of Information and Communication Technologies, Data Privacy is paramount. Hence, your rights under the Data Privacy Act of 2012 are on top of our minds.
Along with your giving of consent to us to collect, process, use and share your Personal Information and with the actual giving of your Personal Information is your consent and acceptance of the terms and conditions set forth in this Privacy Agreement. In relation to this, we would like to inform you of your Data Privacy Rights attached to your Personal Information you shared. Primarily, these are the following:
- You have the right to know information about the Personal Information we collect, process, use, and/or share with other persons and/or our partner organizations. We can give you such information provided that the information you request is not proprietarily owned by IDEALS, Inc., or your request is not vexatious or unreasonable;
- You have the right to refuse to give your consent to collect, process, use or share your Personal Information. However, should you refuse to withhold consent, we may be forced to not render our services;
- You have the right to suspend, withdraw, or order us to block, remove, or delete your Personal Information in our processing system if you have information, duly supported by substantial evidence, that your Personal Information is no longer needed for the declared purpose for which said information was collected, and for other reasons stated in the Data Privacy Act of 2012; and
- You have the right to damages for any injury you might sustain from the incorrect, incomplete, outdated, wrong, illegally collected, or unauthorized use of your Personal Information.
The above rights do not embody the complete set of your Data Privacy Rights. For a complete reference as to your rights under the Data Privacy Act of 2012, you may go to the website of the National Privacy Commission at www.privacy.gov.ph. Should you believe that there has been an improper use of your Personal Information, or violation of any of your Data Privacy Rights, you may send us an email at (email).]
Ang pag-proseso ng iyong Personal Information ay aming isinasagawa gamit ang automated chatbot na nakakabit sa Tisya Hustisya Facebook messenger at ang pag-iimbak nito sa aming online server, kung saan ito ay maaari magamit ng mga awtorisadong tauhan ng IDEALS, Inc. Sa iyong pagsang-ayon na kolektahin, i-proseso, gamitin at ibahagi ang iyong Personal Information, hihingin namin ang mga sumusunod na Personal Information mo:
- Pangalan;
- Edad;
- Kasarian;
- Civil Status; at
- Address.
[Your Personal Information is processed through its collection using an automated chatbot operating in our Tisya Hustisya Facebook messenger and its storage in our online server where it can be accessed only by authorized IDEALS, Inc. personnel. In giving your consent for us to collect, process, use and share your Personal Information, we will collect the following Personal Information:
- Name;
- Age;
- Sex assigned at Birth;
- Civil Status; and
- Address.]
Ang iyong ibinahaging Personal Information ay maaari namin magamit ayon sa mga sumusunod:
- bilang data na aming susuriin para madiskubre ang anumang trends o insights na magagamit para sa aming mga pagsasaliksik para magpalathala ng Research Paper na karaniwan ay mga, pero hindi limitado sa, Policy Papers;
- Para makatulong sa pagbibigay namin ng libreng serbisyong legal sa iyo, pagpapabuti at pagpapaunlad ng aming kasalukuyang serbisyo, at pagbuo at pagdaragdag ng mga panibagong serbisyo;
- Ibahagi sa aming mga katuwang na organisasyon, tulad ng Commission on Human Rights, The Asian Foundation, Canadian Fund for Local Initiatives, Simbahang Katoliko, at iba pang Civil Society Organizations at Human Rights Groups para naman sa kanilang sariling pagsasaliksik kaugnay sa anomang paksa na kanila namang nais talakayin; at
- Kung kakailanganin, para makasunod sa batas at sa mga legal na proseso, tulad ng court order, sa isang legal na obligasyon, o para maiwasan ang alinmang napipintong kapinsalaan sa pampublikong seguridad, kaligtasan, o kaayusan.
[The Personal Information you shared to us may be used for any of the following:
- As data to be used in discovering trends or insights that may be utilized in our research and published in a Research Paper which takes a form of, but not limited to, Policy Papers;
- To aid us in providing free legal advice to you, in improving our current services and in forming and potentially adding new services;
- To share to our partner organizations, such as the Commission on Human Rights, The Asian Foundation, Canadian Fund for Local Initiatives, Catholic Church and other Civil Society Organizations and Human Rights Group for their own use in their own research; and
- If needed, to comply with the law and legal processes, such as court order, existing legal obligation, or to avoid potential injury to public security, safety or order.
Aming pinoprotektahan ang iyong Personal Information sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karampatang pag-iingat para mapanatili ang kumpedentyalidad at pribadong katangian nito at para maiwasan ang pagkawala, pagnanakaw, o paggamit nang walang pahintulot at nang labag sa batas.
Mayroon lamang kaming piling mga empleyado na mayroong pahintulot na mangolekta, mag-proseso, gumamit at mag-bahagi ang iyong Personal Information. Maliban sa mga awtorisadong empleyadong ito, at mga katuwang na organisasyon ng IDEALS, Inc., amin lamang bibigyan ng access sa iyong Personal Information ikaw o ang iyong awtorisadong representatibo, pagkatapos magpakita ng karampatang patunay ng pagkakakilanlan at dokumento ng pagbibigay ng kapangyarihan ng isang representatibo.
Hindi namin ibibigay, ibebenta o ibabahagi ang iyong Personal Information kanino man, maliban na lamang kung may pagsang-ayon mo.
Ang iyong Personal Information ay mananatili sa aming database sa loob ng limang taon mula sa huling interaksyon mo sa Tisya Hustisya Chatbot. Pagkalipas ng nasabing panahon, o kung ikaw ay magpadala ng Formal Letter Request bago ang nasabing panahon, ang iyong Personal Information sa aming database ay mabubura at ang anumang pisikal na dokumento namin na naglalaman ng iyong Personal Information ay pipilasin hanggang sa hindi na mabasa ang nilalaman nito.
[We protect your Personal Information through having adequate measures that ensures their confidentiality and privacy and prevents their loss, theft, or unauthorized and unlawful use.
We only have a select few of employees in IDEALS, Inc. who are authorized to collect, process, use, and share your Personal Information. Aside from these authorized personnel and our partner organizations, we will only give access to your Personal Information to you or your authorized representative, after presentation of an ID and a written Special Power of Attorney.
We will not give, sell, or share your information to anyone, unless you have consented thereto.
Your Personal Information will remain in our database for five years from your last interaction with the Tisya Hustisya Chatbot. After the lapse of said period, or prior thereto but upon a Formal Letter Request, your Personal Information shall be deleted from our database and any physical document containing such shall be shredded.]
Kung kayo ay may mga nais isangguni o ireklamo na may kaugnayan sa iyong Personal Information na naibahagi sa amin, makipag-ugnayan sa IDEALS, Inc. sa (02) 8241 7174 o 0917 527 5356, o sa tisyahustisya@gmail.com. Ang IDEALS, Inc. ay matatagpuan sa 194 Sct. Fuentebella Ext., Brgy. Sacred Heart, Quezon City.
[For any concern or complaint pertaining to your Personal Information, feel free to contact us at (02) 8241 7174 or 0917 527 5356, or at dataprivacy.ideals@gmail.com. The IDEALS, Inc. is located at 194 Sct. Fuentebella Ext., Brgy. Sacred Heart, Quezon City]