Tisya Hustisya – Maternity Leave
Single si Rose, at malapit na siyang manganak. Ikinakatakot niyang hindi siya papayagan na kumuha ng Maternity Leave ng boss niya dahil hindi naman siya kasal.
Alam mo ba, ang maternity leave ay karapatan ng mga kababaihan kahit ano pa ang kanyang kasalukuyang civil status, at nagtatrabaho man sa pampubliko o pribadong sektor. Ipinagkakaloob din sa mga solo mothers ang karagdagang 15 na araw sa kanilang leave.
Kung may karagdagan ka pang katanungan tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM ka lang sa akin! Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka rin na mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.