Blog

Tisya Hustisya – How to File a Case (SEnA)

Nagkaroon ba kayo ng problema o hindi pagkakasundo ng iyong employer o employee? Basahin niyo ito. At tandaan, mag-chat lang sa Tisya Hustisya page kung may iba ka pang katanungan tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS Inc para sagutin yan!

Ano ang Single Entry Approach?

Ito ay isang prosesong adminastribo para sa isang mabilis, patas at abot kayang pagharap at pag-uusap upang matugunan ang mga hindi pagkakaunawaan o anumang dispute sa pagitan ng employer at employee patungkol sa usaping may kinalaman sa trabaho ay sasailalim sa concilation-medication process (30 days) upang matugunan at mapag-usapan ang kanilang ang disputes.

Depinisyon ng mga terminong ginamit:

Dispute – tunggalian, pagtatalo o hindi pagkakaunawaan

Settlement – opisyal na kasunduan at mga alituntunin na ang layuning lutasin ang naging problema sa pagitan ng employer at employee. (Maaaring ang settlement ay sa pamamagitan ng pagbabayad ng danyos, pagbalik sa trabaho, o iba pang benepisyo).

Conciliation-Medication Process – proseso kung saan binibigyan ng pagkakataon ang emplolyer at employee na mag-usap at makapag-paliwanag sa isa’t-isa patungkol sa kanilang naging problema sa harap ng SENA Officer. Ito ay may layuning ayusin ang mga problema sa trabaho at magtakda ng mga dapat gawin upang maiwasan ito sa susunod.