Blog

TISYA HUSTISYA – #HALALAN2022

ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG HINDI MABASA NG VOTING COUNTING MACHINE (VCM) ANG IYONG BALOTA?

May tatlong (3) uri ng rejected ballots o mga balota na hindi mabasa ng VCM:

1. Misread ballots – ito ay ang mga balota na hindi naipasok ng maayos sa VCM sanhi upang hindi ito mabasa ng maayos. Sa ganitong sitwasyon, ang botante ay bibigyan ng pagkakataon ng Election Board na ipasok ng apat (4) na beses sa magkakaibang posisyon ang balota hanggang sa ito ay mabasa ng machine.

2. Previously read ballots – ito ay ang mga balota na ang ballot ID number ay nabasa na ng VCM.

3. Invalid ballots – ito ay ang mga balota na hindi configured sa VCM, maaaring dahil sa ballot ID number at clustered precinct number na nakasulat.

ANONG DAPAT GAWIN?

Dapat ibalik ng botante ang balota sa Chairperson ng Election Board upang ito ay masiyasat kung tama ang ballot ID number at clustered precinct number na nakasulat.

Kung hindi nagtatama ang mga nabanggit, mamarkahan ng Chairperson ang nasabing balota ng “REJECTED” at ito ay ilalagay sa envelope ng mga rejected ballots. Bibigyan ng bagong balota ang botante upang makaboto.

Kung matapos palitan ang balota at tinanggihan pa rin ito ng VCM, dapat ibalik ang rejected ballot sa Chairperson ng Election Board, upang ito ay malagyan ng markang “REJECTED” at mapirmahan ang likod nito ng lahat ng miyembro ng Election Board at mailagay sa envelope para sa mga rejected ballots.

TANDAAN: Papalitan lamang ang balota kung ang hindi pagtanggap ng VCM ay hindi kasalanan ng botante. Kung mayroong reklamo ang botante patungkol sa rejected ballots, kailangan na nakasulat ang reklamo upang maitala at maisama sa minutes.

Section 76, COMELEC Resolution No. 10727

Kung may nais kang itanong tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya page. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas LUNES – SABADO mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM.

#TisyaHustisya

#RightsMoSagotKo

#Halalan2022