Blog

TISYA HUSTISYA – ANO ANG LIBEL?

(1) Ang libel ay isang pampubliko at nakakahamak na pagbibintang ng isang krimen, o ng isang bisyo o depekto, tunay man o haka-haka, o anumang kilos, hindi pagkilos, kalagayan/ kundisyon, katayuan, o pangyayari;

(2) na maaaring maging sanhi ng pagkapahiya o paghamak ng isang natural o juridical person na may malinaw na pagkakakilanlan, o naglalayong dumihan o sirain ang memorya ng isang taong pumanaw na; at

(3) ginawa ito nang may malisya at masamang intensyon.

Ano ang mga paraan ng paninirang puri na pinapagbawal ng batas?

Libel – Ito ang paninirang puri na ginagawa sa pamamagitan ng pagsulat, paglilimbag, lithography, ukit, radyo, ponograpo, pagpipinta, teatro na eksibisyon, cinematographic exhibit, o anumang katulad na paraan.

Slander – Ito ang paninirang puri na na ginawa sa berbal na salita (oral) o kaya’y sa mga akto o gawa (slander by deed)

Cyberlibel – Ang cyberlibel ay mga paninirang-puri, nang may malisya, laban sa tukoy o pinangalanang tao gamit ang computer o iba pang katulad na device.

Ang libel ba ay protektado ng ating freedom of expression?

Ang paninirang puri ay isang limitasyon sa ating freedom of expression o kalayaang magpahayag dahil mayroong presumption ng malisya sa bawat imputasyon nito, at dahil din sa katangian nito na may kasamaan, pagsisinungaling o paninira ng ibang tao o sa pangakalahatang interes ng mga mamamayan. Dahil dito, ito ay kailangang ipagbawal o limitahan ng ating batas.

Kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado mula 8am hanggang 4pm tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun

PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm.

*Source:

Article 353 – 362, RPC; Chavez v. Gonzales, G.R. No. 168338, February 15, 2008; Guingguing v. CA, G.R. No. 128959, September 30, 2005

#RightsMoSagotKo

#TisyaHustisya