Sino-sino ang tinutukoy na “bata” o “dependents” ayon sa Expanded Solo Parents Welfare Act?
Ayon sa Expanded Solo Parents Welfare Act, pasok sa depinisyon ng isang “bata” o “dependent” ang mga sumusunod:
Taong hindi lalampas sa dalawampu’t dalawang taong gulang (22 years old) na walang asawa, walang trabaho at umaasa sa kanyang solo parent para sa suporta (halimbawa: para sa kanyang pag-aaral)
Kahit lampas dalawampu’t dalawang taong gulang (22 years old), kung hindi niya kayang alagaan o protektahan ang kanyang sarili mula sa pang-aabuso, kapabayaan, karahasan, pagsasamantala o diskriminasyon dahil sa pisikal o mental na kapansanan o kondisyon
Kung may tanong ka tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado araw-araw mula 8am hanggang 4pm.
Pwede ka ring mag-text sa aming mga textline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun
PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm.
Source: (Sec. 3b, Expanded Solo Parents Welfare Act, R.A. No. 11861)