Blog

SINO-SINO ANG ITINUTURING NA “SOLO PARENTS” AYON SA BATAS?

Ang isang “solo parent” ayon sa batas ay sinumang tao na pasok sa alinmang mga sumusunod na kategorya:

1. Isang magulang na mag-isang nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak dahil sa isa o higit pang mga rason:

Kapag ang isang ina ay mag-isang nagtataguyod ng kanyang anak na bunga ng panggagahasa, kahit na wala pang pinal na hatol mula sa korte

– Pagkamatay ng asawa

– Pagkakakulong ng asawa ng hindi bababa sa tatlong (3) buwan dahil sa isang kasong kriminal

– Pisikal o mental na kawalan ng kakayahan magbigay ng suporta, ngunit kailangan na may patunay patungkol sa kawalan ng kakayahan mula sa isang public o private na medical practitioner

– Paghihiwalay ng mga magulang ng anim (6) na buwan o higit pa, at ang “solo parent” ang magulang na siyang nag-aalaga at sumusuporta sa mga anak

– Paghihiwalay ng mga magulang dahil sa annulment, declaration of nullity of marriage o iba lang legal na mga paraan at ang “solo parent” ang magulang na siyang nag-aalaga at sumusuporta sa mga anak

– Kapag iniwan ng asawa at ang pag-iwan ay nasa anim na buwan (6 months) na o higit pa

2. Asawa, kamag-anak o taong pinag-iwanan ng anak ng isang OFW, kung ang OFW ay nasa kategoryang low skilled o semi-skilled worker at tuloy-tuloy na nasa ibang bansa sa loob ng labindalawang buwan (12 months) ang OFW, at ang pinag-iwanan ng bata ay pasok din sa kategoryang nabanggit sa itaas

3. Magulang na hindi kasal ngunit siyang nag-aalaga at nag-aasikaso sa bata

4. Legal guardian, adoptive o foster parent na mag-isang nag-aalaga at sumusuporta sa bata

5. Kamag-anak na hanggang 4th civil degree of consanguinity/affinity ng magulang o tagapag-alaga ng bata, na siyang kumupkop sa bata sa loob ng hindi bababa sa anim na buwan (6 months) dahil sa mga sumusunod na rason:

– Pagkamatay ng magulang o tagapag-alaga

– Pagkawala ng magulang o tagapag-alaga

– Pag-iwan ng magulang o tagapag-alaga

6. Buntis na mag-isang nagbibigay ng suporta sa batang kanyang ipinagbubuntis at/o iba pang mga anak

Kung may tanong ka tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado araw-araw mula 8am hanggang 4pm.

Pwede ka ring mag-text sa aming mga textline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun

PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm.

#RightsMoSagotKo

#TisyaHustisya