Protektado ba ng karapatan sa malayang pamamahayag ang PAGBATIKOS SA GAWAIN NG GOBYERNO?
Prinoprotektahan ng ating Saligang Batas ang ating karapatan na ipahayag ang ating mga karaingan ukol sa ating gobyerno. Ang TAPAT na pagbatikos, pagkomento at paglahad ng obserbasyon ukol sa mga bagay na pampubliko ay hindi maaaring parusahan o supilin. Ang kritisismo ng mga gawain ng mga opisyales sa kanilang pamamahala ay binibigyan ng pinakamalawak na proteksyon.
[US. v. Bustos, G.R. No. L-12592, 8 March 1918]
Upang maparusahan ng libel, kailangan patunayan ng isang opisyal ng gobyerno na ang pahayag na mapanira ng puri ay ginawa na may malisyosyong intensyon – na may kaalaman na ang pinapakalat ay walang katotohanan, o ‘di kaya pinapakalat nang walang pakundangan at walang pakialam kung ito ay totoo o hindi.
[Vasquez v. Court of Appeals, G.R. No. 118971, 15 September 1999]
Kung ang basehan ng pagpigil o pagbibigay ng parusa sa isang pahayag ay ang seguridad ng bansa, kinakailangan maipakita na may “clear and present danger” o malinaw at napipintong panganib sa seguridad ng mamamayan na naidudulot ang isang pahayag. Ang simpleng pagsalungat sa mga gawain ng pamahalaan, o ‘di kaya pagbahagi ng mga hinaing o opinyon ay hindi maaaring ipagbawal o parusahan kung walang klarong koneksyon sa isang napipintong panganib.
[Chavez v. Gonzales, G.R. No. 168338, February 15, 2008]
Kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado mula 8am hanggang 4pm tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun
PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm.