Blog

PARA SA MGA KABABAIHAN!

Labag sa batas ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga tuntunin at kundisyon ng trabaho ng mga babaeng empleyado na base lamang sa kanyang kasarian.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng diskriminasyon:

Pagbibigay ng mas mababang kabayaran, kasama na ang sahod, sweldo o iba pang paraan ng pagbabayad at benepisyo sa isang babaeng empleyado kung ikukumpara sa lalaking empleyado na nagbigay ng pantay na halaga ng trabaho.

Pagbibigay-pabor sa lalaking empleyado kaysa sa babaeng empleyado pagdating sa mga promosyon, training, pag-aaral at scholarship grants dahil lamang sa kanyang kasarian.

Ang pagsasampa ng kasong kriminal ay hindi magiging hadlang sa pagsasampa ng kaso para sa anumang money claims, kasama na ang pagbabayad ng danyos at iba pa.

Labag sa batas ang pagkakaroon ng kundisyon na hindi maaaring ikasal ang isang babaeng empleyado kung nais niyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho, o ang pagkakaroon ng pagtatakda na sa oras na ikasal ang babaeng empleyado, siya ay ituturing na resigned o hiwalay na sa kumpanya, o ang pagtatanggal o pagkakaroon ng diskriminasyon o masamang pagpapalagay sa isang babaeng empleyado dahil lamang sa kanyang pagpapakasal.

Kung may karagdagan ka pang katanungan tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka at sagutin ang iyong mga katanungan!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.