Blog

PAANO ANG PARAAN NG PAG-ARESTO KUNG WALANG WARRANT OF ARREST?

Kung ang pag-aresto ay pasok sa tatlong pagkakataon kung saan maaaring magsagawa ng pag-aresto nang walang warrant, kailangang ipaalam ng alagad ng batas ang kanyang awtoridad upang gawin ang pag-aresto at ang rason kung bakit, maliban na lamang kung ang taong inaaresto ay kasalukuyang gumagawa ng krimen, biglang tumakas o marahas na lumaban bago pa magkaroon ng pagkakataon na masabi sa kanya, o kung ang pagbibigay ng mga naturang impormasyon ay makakasagabal sa ginagawang pag-aresto.

Pindutin ang link na ito upang makita ang naunang post tungkol sa mga pagkakataon kung saan maaaring magsagawa ng pag-aresto nang walang warrant: https://www.facebook.com/…/a.120238383…/467797924917856/

Kung may katanungan ka pa tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2pm.