Blog

PAALALA: I-CHECK ANG INYONG BALOTA BAGO MAGSIMULANG BUMOTO AT MAG-SHADE.

Siguraduhing ito ay malinis at walang mga hindi kinakailangang marka.

Hindi tatanggapin ng VCM ang mga balota na may mga hindi kinakailangang marka, gaya ng maliliit na marka ng ballpen kung saan mang parte ng balota. Busisiin ng mabuti ang mga balota magmula taas hanggang dulo. Kung may matagpuang kahit anong marka, maaaring papalitan ang balota sa election officers.

Kung may nais kang itanong tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya page. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas LUNES – BIYERNES mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM.

#TisyaHustisya

#RightsMoSagotKo

#Halalan2022