Blog

Kapag nag-pyansa na, maaari pa bang kwestyunin ang legalidad ng pag-aresto, o ireklamo ang kawalan o iregularidad ng preliminary investigation?

Opo, maaari pa rin po. Ayon sa Section 26 ng Rule 114 ng Revised Rules of Court, kahit nakapag-apply na ng pyansa, maaari pa ring tutulan o kwestyunin ang legalidad ng pag-aresto o ireklamo ang kawalan o iregularidad ng preliminary investigation, ngunit dapat lamang na ito ay maipaabot bago magbigay ang akusado ng plea kung guilty o not guilty. Ito ay dapat maresolba ng korte sa lalong madaling panahon bago magsimula ang paglilitis.

Kung may karagdagan ka pang katanungan tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para sagutin ang iyong mga katanungang may kinalaman sa batas.

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.