Blog

Kailan ang itinalagang araw para sa Halalan 2022?

Ang halalan 2022 ay gaganapin sa ika-9 ng Mayo 2022, mula alas sais ng umaga hanggang alas syete ng gabi (6:00 am to 7:00 pm).

Ang mga botante na hindi pa nakaka boto ng ganap na alas syete ng gabi, ngunit nakapila sa hindi lalampas sa 30 metro mula sa kanilang polling place ay maaari pa ring bigyan ng pagkakataon upang bumoto. Sila ay tatawagin ng tatlong (3) beses, at kung walang sagot mula sa kanila ay hindi na sila papayagang bumoto.

Section 49, COMELEC Resolution No. 10727

Ano-ano ang mga dapat dalhin sa araw ng pagboto?

1. Face mask

2. Ball pen

3. Valid ID

4. Listahan ng mga iboboto

PAALALA: Bawal magdala ng campaign materials sa loob ng polling precinct. Kasama na rito ang pagsusuot ng t-shirt, ballers, at iba pang mga materyales para sa pangangampanya. Sumunod rin sa iba pang mga health and safety protocols (kasama pero hindi limitado sa social distancing, foot bath, at iba pa.)

Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

#Halalan2022

#TisyaHustisya

#RightsMoSagotKo