Blog

Dahil madaming abogado mula sa Tisya Hustisya team ang kasalukuyang nagpapagaling mula sa COVID-19 infection, pansamantalang matatagalan ang pagsagot sa inyong mga katanungan.

Habang naghihintay kay Tisya, maaaring gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin muli ang naisumiteng katanungan sakaling may maidadagdag pang impormasyong makatutulong sa abogado para sagutin ang iyong legal concern.

2. Bisitahin ang Tisya Hustisya page at tingnan kung mayroong infographic na sasagot sa iyong katanungang legal.

3. Antabayanan ang mga FB Live ni Tisya kung saan binibigyan ang mga tagapakinig ng pagkakataong magtanong sa abogado.

4. Paalala po, limitado lamang sa mga katanungang legal ang maaaring isangguni sa Tisya Hustisya.

Ang Legal Team ng Tisya ay available lamang para sagutin ang inyong mga katanungan mula 8:00 am hanggang 4:00 pm araw-araw, maliban na lamang kung holidays.

Dahil sa dagsa ng mga kliyente, ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2:00 pm lamang.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa! Ingat po tayong lahat!