Blog

CHILD ABUSE – PAG-USAPAN!

Saklaw ng child abuse o pang-aabuso sa karapatan ng bata ang akto ng child trafficking.

Ano ang child trafficking at ang saklaw ng paglabas sa batas na ito?

Nilalabag ang batas na ito ang kahit sino na kasangkot sa dealing at trading gamit ang mga bata, kabilang ang, pero hindi limitado sa, pagbili at pagbenta sa bata kapalit ng pera, o para sa iba pang-pagsa-alang alang, barter.

Ano ang kaakibat na kaparusahan ng paglabag sa batas na ito?

Ang lalabag sa batas na ito ay haharap sa kaparusahan na reclusion temporal hanggang reclusion perpetua. Ang parusang ipapataw ay maximum period kung ang edad ng biktima ay mababa sa 12 years old.

– Reclusion temporal: Ang haba ng parusa ay mula 12 years at isang (1) araw hanggang 20 years.- Reclusion perpetua: Ang haba ng parusa 20 years at isang (1) araw hanggang 40 years.

Kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Upang magbigay daan para aming team assessement at planning, pansamantalang mahihinto ang ating live chat kasama ang mga abogado ni Tisya Hustisya simula ika-13 ng Disyembre hanggang ika-10 ng Enero, ngunit maaari pa ring ma-access ang ating Gov’t Hotline at FAQs.