Blog

CHILD ABUSE – PAANO MAGFILE NG COMPLAINT?

Maaring mag-file ng complaint ang mga sumusunod:

– Ang biktima

– Magulang o guardian

– Ascendant (kabilang dito ang lola o lolo) o collateral relative (kabilang dito ang pinsan, tito, tita, etc)

– Officer o social worker mula sa licensed child-caring institution

– Officer o social worker mula sa DSWD

– Barangay chairman

– At least (3) tatlong concerned responsible citizens mula sa lugar kung saan nangyari ang child abuse

Kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Upang magbigay-daan para aming team assessement at planning, pansamantalang mahihinto ang ating live chat kasama ang mga abogado ni Tisya Hustisya simula ika-13 ng Disyembre hanggang ika-10 ng Enero, ngunit maaari pa ring ma-access ang ating Gov’t Hotline at FAQs.