Blog

  • ITIGIL ANG KARAHASAN!

    Anu-ano ang kabilang sa mga krimen ng karahasan laban sa mga kababaihan at sa kanilang anak? Narito ang sagot. Pagdudulot ng pisikal na pinsala sa babae o sa kanyang anak. Pagbabanta na magdulot ng pinsala sa babae o sa kanyang anak. Pagtatangkang magdulot ng pinsala sa babae o sa kanyang anak. Paglalagay sa babae o ng kanyang anak ng takot dahil sa banta ng pisikal na pinsala. Pamimilit sa babae o ang kanyang anak, gamit ang banta ng anumang porma ng pananakot, pwersa o karahasan, na sumali o hindi sumali sa gawaing may karapatan karapatan silang sahilan o tanggihan. Pagdulot o pagbabanta na magdulot ng pisikal na pinsala sa sarili…

  • Tisya Hustisya – Child Custody

    May karapatan sa kustodya at suporta sa anak ang isang ina kahit na siya ay biktima ng karahasan Kung may katanungan ka tungkol sa child custody, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM mo lang ako! Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka. Pwede ka rin na mag-text sa aming mga hotline: 0953 382 6935 – Globe at TM 0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.

  • Tisya Hustisya – Ano ang ibig sabihin ng VAWC o Violence Against Women and their Children?

    Ito ay tumutukoy sa anumang gawain na maaaring magdulot ng pisikal, sekswal o sikolohikal na pinsala, o kaya naman ekonomik na pang-aabuso kabilang ang mga banta ng pambubugbog, panggagahasa, pamimilit, pangha-harass, o di makatwirang pagkakait sa kalayaan ng kahit sinong babae. Ang mga maaaring maparusahan sa paggawa ng mga nasabing akto ay ang asawa, dating asawa, karelasyon, ama ng kanyang anak, o sinumang lalake na ang biktima ay may sekswal na relasyon. Saklaw rin nito ang mga akto laban sa anak ng biktima, lehitimo man o labas, nasa tirahan man ng pamilya o hindi. Kung ikaw ay may katanungan pa tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice,…