Tisya Hustisya – #BawalYan
Alam mo ba ang mga parusa o multa para sa akto ng catcalling, pagsitsit, at pagsabi ng mga homophobic and sexist slurs sa mga pampublikong lugar?
Ang mga aktong nabanggit ay halimbawa ng Gender-Based Streets and Public Spaces Sexual Harassment na ipinagbabawal ng Safe Spaces Act (RA No. 11313) at ang mga sumusunod ang katumbas nitong penalties:
Para sa 1st offense:Multa (fine) na Php1000 at 12 hour community service (na may kasamang Gender Sensitivity Seminar)
Para sa 2nd offense:Arresto menor (pagkakulong ng 6 to 10 days ayon sa Safe Spaces Act) o multa (fine) na PHP3000
Para sa 3rd offense:Arresto menor (pagkakulong ng 11 to 30 days ayon sa Safe Spaces Act) at multa (fine) na PHP 10,000
Kung may karagdagan ka pang katanungan tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM ka lang sa akin! Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka rin na mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.