• Sino-sino ang tinutukoy na “bata” o “dependents” ayon sa Expanded Solo Parents Welfare Act?

    Ayon sa Expanded Solo Parents Welfare Act, pasok sa depinisyon ng isang “bata” o “dependent” ang mga sumusunod: Taong hindi lalampas sa dalawampu’t dalawang taong gulang (22 years old) na walang asawa, walang trabaho at umaasa sa kanyang solo parent para sa suporta (halimbawa: para sa kanyang pag-aaral) Kahit lampas dalawampu’t dalawang taong gulang (22 years old), kung hindi niya kayang alagaan o protektahan ang kanyang sarili mula sa pang-aabuso, kapabayaan, karahasan, pagsasamantala o diskriminasyon dahil sa pisikal o mental na kapansanan o kondisyon Kung may tanong ka tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para…

  • SINO-SINO ANG ITINUTURING NA “SOLO PARENTS” AYON SA BATAS?

    Ang isang “solo parent” ayon sa batas ay sinumang tao na pasok sa alinmang mga sumusunod na kategorya: 1. Isang magulang na mag-isang nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak dahil sa isa o higit pang mga rason: – Kapag ang isang ina ay mag-isang nagtataguyod ng kanyang anak na bunga ng panggagahasa, kahit na wala pang pinal na hatol mula sa korte – Pagkamatay ng asawa – Pagkakakulong ng asawa ng hindi bababa sa tatlong (3) buwan dahil sa isang kasong kriminal – Pisikal o mental na kawalan ng kakayahan magbigay ng suporta, ngunit kailangan na may patunay patungkol sa kawalan ng kakayahan mula sa isang public o private…

  • GOOD NEWS!

    Simula ngayong araw, August 15, maaari na muling magtanong sa mga abogado ng Tisya Hustisya ARAW-ARAW. Alalahanin lamang na mayroon pa ring cut-off na hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm. Maraming salamat! #RightsMoSagotKo#TisyaHustisya