• Tisya Hustisya – Ano ang ibig sabihin ng VAWC o Violence Against Women and their Children?

    Ito ay tumutukoy sa anumang gawain na maaaring magdulot ng pisikal, sekswal o sikolohikal na pinsala, o kaya naman ekonomik na pang-aabuso kabilang ang mga banta ng pambubugbog, panggagahasa, pamimilit, pangha-harass, o di makatwirang pagkakait sa kalayaan ng kahit sinong babae. Ang mga maaaring maparusahan sa paggawa ng mga nasabing akto ay ang asawa, dating asawa, karelasyon, ama ng kanyang anak, o sinumang lalake na ang biktima ay may sekswal na relasyon. Saklaw rin nito ang mga akto laban sa anak ng biktima, lehitimo man o labas, nasa tirahan man ng pamilya o hindi. Kung ikaw ay may katanungan pa tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice,…

  • Tisya Hustisya – Maaari ka bang mag-file ng VAWC case kung babae din ang iyong partner/kinakasama?

    Ito ang sagot ni Tisya! R.A. 9262: Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 SECTION 3. Definition of Terms. – As used in this Act, (a) “Violence against women and their children” refers to any act or a series of acts committed by any person against a woman who is his wife, former wife, or against a woman with whom the person has or had a sexual or dating relationship. OPO. Base sa nakasaad sa SECTION 3. Definition of Terms, ginamit ang salitang person (walang nakasaad na kasarian), kung kaya’t kahit na babae ang iyong kinakasama/partner ay maaari mo pa rin siyang sampahan ng kaso sa ilalim ng…

  • ISANG TAON NA SI TISYA!

    Maraming salamat sa patuloy na tiwala at suporta kay Tisya Hustisya nitong nakaraang taon upang makapagbigay ng libreng legal na serbisyo sa mga mamamayang Pilipino. Maaasahang tuloy-tuloy lamang ang pagtulong ni Tisya sa mga nangangailangan nito! Kung kailangan mo ng libreng legal na payo, mag-PM lang kay Tisya Hustisya! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado mula 8AM hanggang 4PM araw-araw.