• USAPANG CHILD SUPPORT AT CHILD CUSTODY

    Kapag ang mga magulang ng bata ay hindi kasal, ang sole parental authority ay nasa nanay, at ang tatay ay may karapatang bumisita. Hindi maaaring tanggalan ng kustodiya ang nanay kung hindi mapapatunayan na siya ay “unfit” o walang kakahayang alagaan at palakihin ang kanyang anak. Halimbawa, kung ay nanay ay sobrang palainom, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, iniiwan at hindi inaalagaan ang bata, ito ang mga halimbawa ng pagiging “unfit” at maaaring ibigay ng korte ang pangangalaga sa ama. Sa usapin din ng sustento, maaaring i-order ng korte na magbigay ng sustento ang isang magulang kahit na wala sa kanya nag kustodiya ng bata, batay sa mga sumusunod: 1.…

  • USAPANG TRABAHO

    May karapatan ang isang empleyado na mag-resign sa kanyang trabaho nang may kahit anong rason sa pamamagitan ng pagbibigay ng “written notice” sa kanyang employer na hindi bababa sa isang buwan bago ito umalis. Kung may tanong pa tungkol dito o kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline: 0953 382 6935 – Globe at TM 0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.

  • ANO ANG IBIG SABIHIN NG FLOATING STATUS?

    Ayon sa D.O. 215, ang “suspension of employment relationship” o mas kilala bilang “floating status” ay maaaring ipatupad ng hindi hihigit sa anim na buwan, at maaaring dagdagan ng hanggang anim pa na buwan. Sa panahong ito, maaaring kumuha ng ibang trabaho ang empleyado kung naaayon ito sa napagkasunduan ng empleyado at ng kanyang kumpanya. Ang pag-extend ng “floating status” ng isang empleyado ay dapat naayon din sa kasunduan sa pagitan ng nasabing empleyado at ng kanyang kumpanya, at sa oras na magkaroon ng kasunduan, kinakailangang ipaalam ito ng empleyado sa DOLE sampung araw bago ito magsimula. Kung may tanong pa tungkol dito o kailangan mo ng libreng legal advice,…