• Kung mahal mo, ipaglalaban mo! 

    Syempre, kasama na dyan ang karapatan natin! Kaya kung kailangan mo o ng mga kaibigan o kamag-anak mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline: 0953 382 6935 – Globe at TM 0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2pm.

  • PAANO KWESTYUNIN ANG LEGALIDAD NG PAG-ARESTO?

    1. DAPAT kwestyunin ang legalidad ng pag-aresto bago ang arraignment at bago magbigay ang akusado ng kanyang “plea” kung guilty o not guilty. 2. Maaari pa ring mag-pyansa ang isang akusado kahit na nais niyang kwestyunin ang legalidad ng pag-aresto sa kanya. 3. Dapat maresolba ang isyu ng legalidad ng pag-aresto sa pinakamadaling panahon, BAGO magsimula ang aktwal na paglilitis. Kung may katanungan ka pa tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:0953 382 6935 – Globe at TM0951 077 4412 – Smart, TNT,…

  • PAANO ANG PARAAN NG PAG-ARESTO KUNG WALANG WARRANT OF ARREST?

    Kung ang pag-aresto ay pasok sa tatlong pagkakataon kung saan maaaring magsagawa ng pag-aresto nang walang warrant, kailangang ipaalam ng alagad ng batas ang kanyang awtoridad upang gawin ang pag-aresto at ang rason kung bakit, maliban na lamang kung ang taong inaaresto ay kasalukuyang gumagawa ng krimen, biglang tumakas o marahas na lumaban bago pa magkaroon ng pagkakataon na masabi sa kanya, o kung ang pagbibigay ng mga naturang impormasyon ay makakasagabal sa ginagawang pag-aresto. Pindutin ang link na ito upang makita ang naunang post tungkol sa mga pagkakataon kung saan maaaring magsagawa ng pag-aresto nang walang warrant: https://www.facebook.com/…/a.120238383…/467797924917856/ Kung may katanungan ka pa tungkol dito o kung kailangan mo…