• TISYA HUSTISYA – CYBERLIBEL: Kanino pwedeng mag-report?

    Report to the NBI Cybercrime Division or PNP Anti-Cybercrime Group. Maaring i-report ang insidente sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division, Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group o Department of Justice (DOJ) Office of Cybercrime para sa imbestigasyon, posibleng pag-block, pag-suspend o pag-freeze ng computer data na gamit ng respondent o inihahabla. Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline: 0953 382 6935 – Globe at TM 0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun…

  • TISYA HUSTISYA – ANNOUNCEMENT!

    Upang mapanatiling maayos ang pagbibigay ni Tisya ng LIBRENG LEGAL ADVICE, pansamantalang mahihinto ang LIVE CHAT kasama ang ating mga abogado mula March 26 (Sabado) hanggang March 27 (Linggo) para magbigay-daan sa system maintenance. Maaari pa rin po kayong mag-chat kay Tisya! Piliin lamang po sa choices ang “FAQs” upang makakuha ng mga legal na kaalaman patungkol sa child support, child custody, labor concerns, online lending at iba pa. Ang FAQs po ay naglalayong sagutin ang mga katanungan na madalas isangguni kay Tisya at ito ay accessible sa lahat 24/7. Maraming salamat po!

  • TISYA HUSTISYA – #WJChallenge

    Hindi magiging posible ang pagiging finalist ni Tisya sa #WJChallenge kung hindi dahil sa mga katulad ni Ma’am Rozelyn na naglakas-loob at nagtiwala sa kanya. Si Tisya Hustisya ang natatanging finalist na galing sa Pilipinas para sa Access to Justice Category ng World Justice Challenge 2022 mula sa 305 na sumaling proyekto galing sa iba’t ibang parte ng mundo! #RightsMoSagotKo #TisyaHustisya