• ANNOUNCEMENT

    Magandang araw! Nais po naming i-anunsyo na simula April 1, 2022, ang bagong operating hours ni Tisya ay mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 am hanggang 4:00 pm, maliban na lamang kung holidays. Magpapatupad din po tayo ng cut-off na 2:00 pm para sa pagpasok ng mga katanungan, upang mabigyan ng panahon ang ating mga abogado na sagutin ang mga naunang nagtanong. Maraming salamat po!

  • USAPANG UTANG!

    Kailan maaaring magpataw ng interes ang isang creditor kung ikaw ay may utang?Ayon sa ating batas*, kailangan na nasa kasulatan o “expressly stipulated in writing” ang pagpapataw ng interes. Ibig sabihin, kailangan na may pinirmahang kasulatan patungkol sa pagpapataw ng interes upang ito ay magkaroon ng bisa. Kung walang ganitong kasulatan, hindi maaaring patawan ng interes ang pagkakautang. *Article 1956, Civil Code of the Philippines – No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing. Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para…

  • TISYA HUSTISYA – Oras ng Pagtatanong

    Kailangan mo ba ng LIBRENG LEGAL ADVICE? Narito ang mga dapat malaman tungkol sa oras ng pagpapadala ng mensahe kay Tisya Hustiya! 1. Hanggang anong oras maaaring mag-message kay Tisya Hustisya?Ang office hours ng Tisya Hustisya Team ay mula 8:00 am hanggang 4:00 pm araw-araw maliban na lamang kung holidays, ngunit may CUT-OFF sa pagtanggap ng mensahe na hanggang 2:00 pm lamang. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga abogado na tapusin muna ang mga naunang nagtanong. 2. Hindi na ba papasok ang mensahe ko kapag lagpas 2:00 pm na? Opo, hindi na po papasok ang inyong mensahe sa system. Kailangan po ninyong mag-send ng message kinabukasan, mula 8:00…