• TISYA HUSTISYA – Usapang Search Warrant

    Anu-ano ang mga bagay na maaaring kunin o halughugin ng mga alagad ng batas sa ilalim ng bisa ng isang search warrant? 1. Mga bagay na mismong paksa ng hinihinalang krimen na naging dahilan ng pag-isyu ng search warrant (halimbawa: droga o iba pang mga ipinagbabawal na gamot);2. Mga bagay na nakaw o nalikom o produkto ng ginawang krimen na siyang paksa ng search warrant;3. Mga bagay na ginamit o maaaring gamitin upang gumawa pa ng krimen (halimbawa: mga parapernalya sa paggamit ng droga) Kung may nais kang itanong tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya page. Kasama ko ang mga abogado…

  • Isa si Ma’am Eva sa mga kababaihang natulungan ni Tisya. Narito ang kanyang karanasan sa paghingi ng tulong kay Tisya. Maraming salamat po sa iyong tiwala!

    Si Tisya Hustisya ang natatanging finalist na galing sa Pilipinas para sa Access to Justice Category ng World Justice Challenge 2022 mula sa 305 na sumaling proyekto galing sa iba’t ibang parte ng mundo! Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline: 0953 382 6935 – Globe at TM 0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga…

  • TISYA HUSTISYA – HOLY WEEK BREAK

    Pansamantala pong hindi tatanggap si Tisya ng mga katanungan mula ngayong araw (April 7) hanggang April 17, 2022 upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga abogado na matugunan muna ang mga naunang nagpadala ng katanungan. Ito rin ay dire-direcho na para mag-bigay-daan sa Holy Week break ng aming opisina at makapag-pahinga ang mga abogado. Pati na rin si Tisya Hustisya kasama ang kanyang pamilya; kanyang magulang (sina Aling Baby at Mang Bert); at apat na nakababatang kapatid (na si Kikay, Biboy, Nena at Bert, Jr.). Mapayapang holy week sa inyong lahat. PAALALA: Sasagot pa din po at magbibigay pa rin ng libreng legal advice si Tisya ng mga PM na…