• ANNOUNCEMENT

    Ang operating hours ni Tisya simula May 1 ay mula 8AM hanggang 4PM, Lunes hanggang Biyernes! Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM. Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline: 0953 382 6935 – Globe at TM 0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun #TisyaHustisya #RightsMoSagotKo

  • Ano ang Plain View Doctrine?

    Isa sa mga natatanging pagkakataon kung saan maaaring magsagawa ng paghahanap o paghahalughog ang mga alagad ng batas kahit sila ay walang dalang search warrant. Ito ay maaari lamang gawin kung ang mga kontrabando ay makikita sa kanilang “plain view”. Ngunit, upang pumasok sa Plain View Doctrine ang paghahalughog, mahalaga na masunod ang mga sumusunod na rekisito: 1. Ang alagad ng batas ay nasa posisyon na makita at mamataan ang lugar kung saan natagpuan ang kontrabando (plain view);2. Ang pagka-diskubre sa mga kontrabado ay hindi sinasadya;3. Ang bagay na nakita ay mga kontrabando o ebidensya ng isang krimen. Kung may nais kang itanong tungkol dito, o kung kailangan mo ng…

  • Maaari bang magkapkap o maghalughog ang mga alagad ng batas alinsunod sa isang wasto at legal na pag-aresto?

    Maaaring magkapkap o maghalughog ang mga alagad ng batas alinsunod sa tinatawag na “search incidental to a lawful arrest”. Ito ay ang pag kapkap, paghahanap o paghahalughog matapos ang wasto at naaayon sa batas na pag-aresto sa isang tao, ngunit ang maaaring gawin lamang ay pagkapkap sa taong inaraseto o pagtingin sa kanyang kapaligiran kung mayroong mga nakakapinsala o ipinagbabawal na mga kagamitan na maaari niyang gamitin laban sa mga alagad ng batas. Hindi maaaring gawin ang paghahalughog at paghahanap kung ito may malayo na sa pinangyarihan ng pag-aresto at ang lugar na ito ay wala na “immediate control” ng taong inaresto. Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga…