• TISYA HUSTISYA – #HALALAN2022

    Ano-ano ang mga kwalipikasyon upang maging Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas? 1. Siya ay isang natural born citizen o ipinanganak bilang isang Pilipino 2. Rehistradong botante 3. Marunong bumasa at sumulat 4. Hindi bababa sa 40 taong gulang sa araw ng halalan 5. Naninirahan sa Pilipinas sa loob ng hindi bababa sa 10 taon sa araw ng halalan Section 2, Article VII, Philippine ConstitutionAno-ano ang mga kwalipikasyon upang maging Senador sa Pilipinas? 1. Siya ay isang natural born citizen o ipinanganak bilang isang Pilipino 2. Rehistradong botante 3. Marunong bumasa at sumulat 4. Hindi bababa sa 35 taong gulang sa araw ng halalan 5. Naninirahan sa Pilipinas sa loob…

  • Kailan ang itinalagang araw para sa Halalan 2022?

    Ang halalan 2022 ay gaganapin sa ika-9 ng Mayo 2022, mula alas sais ng umaga hanggang alas syete ng gabi (6:00 am to 7:00 pm). Ang mga botante na hindi pa nakaka boto ng ganap na alas syete ng gabi, ngunit nakapila sa hindi lalampas sa 30 metro mula sa kanilang polling place ay maaari pa ring bigyan ng pagkakataon upang bumoto. Sila ay tatawagin ng tatlong (3) beses, at kung walang sagot mula sa kanila ay hindi na sila papayagang bumoto. Section 49, COMELEC Resolution No. 10727 Ano-ano ang mga dapat dalhin sa araw ng pagboto? 1. Face mask 2. Ball pen 3. Valid ID 4. Listahan ng mga…

  • Maligayang Araw ng Manggagawa mula kay Tisya Hustisya!

    Kung may katanungan tungkol sa karapatan mo bilang manggagawa o kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya page. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline: 0953 382 6935 – Globe at TM 0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas LUNES hanggang SABADO mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM. #LaborDay2022 #TisyaHustisya #RightsMoSagotKo