• TISYA HUSTISYA – WORLD JUSTICE CHALLENGE 2022

    MARAMING SALAMAT SA INYONG SUPORTA KAY TISYA HUSTISYA AT SA MGA ABOGADO NG TISYA HUSTISYA NA NASA NETHERLANDS PARA SA WORLD JUSTICE CHALLENGE 2022! Bagamat hindi nanalo, kasama si Tisya Hustisya sa mga napili at ang natatanging finalist na galing sa Pilipinas para sa Access to Justice Category ng World Justice Challenge 2022, mula sa 305 na sumaling proyekto galing sa buong mundo! Maraming salamat sa inyong suporta sa Tisya Hustisya Team! #TisyaHustisya #RightsMoSagotKo

  • GOODLUCK TISYA HUSTISYA!

    NASA HAGUE, NETHERLANDS NA SI TISYA HUSTISYA AT ANG MGA ABOGADO PARA SA WORLD JUSTICE CHALLENGE 2022! Si Tisya Hustisya ang natatanging finalist na galing sa Pilipinas para sa Access to Justice Category ng World Justice Challenge 2022 mula sa 305 na sumaling proyekto galing sa iba’t ibang bansa! Nawa’y suportahan natin si Tisya para mas marami pa siyang matulungan. #TisyaHustisya #RightsMoSagotKo

  • SAMA-SAMA NATING SUPORTAHAN SI TISYA!

    Simula Lunes, magiging bukas lamang para sa katanungan ang Tisya Hustisya tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM (na may cut-off na hanggang 2PM) upang makadalo ang mga abogado sa World Justice Forum 2022 na gaganapin sa The Hague, Netherlands mula May 30 hanggang June 2. Hindi po papasok sa aming system ang inyong mensahe kung naipadala sa LABAS ng mga araw at oras na nabanggit. Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Pwede ka ring mag-text sa aming mga…