• TISYA HUSTISYA – ANO ANG LIBEL?

    (1) Ang libel ay isang pampubliko at nakakahamak na pagbibintang ng isang krimen, o ng isang bisyo o depekto, tunay man o haka-haka, o anumang kilos, hindi pagkilos, kalagayan/ kundisyon, katayuan, o pangyayari; (2) na maaaring maging sanhi ng pagkapahiya o paghamak ng isang natural o juridical person na may malinaw na pagkakakilanlan, o naglalayong dumihan o sirain ang memorya ng isang taong pumanaw na; at (3) ginawa ito nang may malisya at masamang intensyon. Ano ang mga paraan ng paninirang puri na pinapagbawal ng batas? Libel – Ito ang paninirang puri na ginagawa sa pamamagitan ng pagsulat, paglilimbag, lithography, ukit, radyo, ponograpo, pagpipinta, teatro na eksibisyon, cinematographic exhibit, o…

  • TISYA HUSTISYA – Freedom of Expression

    Ano ang SAKOP ng ating freedom of expression o karapatan sa malayang pamamahayag? Malawak ang sakop ng ating freedom of expression at pasok sa kalayaang ito ang halos lahat ng uri ng komunikasyon, kagaya ng mga intelektwal at obhektibong mga diskurso o ang hindi pag-sang ayon sa politika, relihiyon, edukasyon, at mga interaksyon na may pribado o pampublikong interest, kasama ang iba’t ibang uri ng media. Ano ang mga LIMITASYON sa kalayaang ito? Ang “freedom of expression” ay bahagi ng ating demokrasya, ngunit, hindi ito dapat gamitin sa maling paraan katulad ng pagpapakalat ng paninirang puri, mga bastos at immoral na lenggwahe, o pagpapahayag ng mga kasinungalingan, fake news at…

  • TISYA HUSTISYA – Libreng Legal Advice

    I-share sa inyong mga kamaganak at kaibigan ang serbisyo ni Tisya! Kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado mula 8am hanggang 4pm tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline: 0953 382 6935 – Globe at TM 0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm. #RightsMoSagotKo #TisyaHustisya