• ANO ANG “FREEDOM OF THE PRESS”?

    Kaakibat ng kalayaan ng bawat isa sa malayang pamamahayag ang kalayaan ng media na maglathala ng balita, opinyon, komentaryo, atbp. Hindi nag-atubiling ipasawalang-bisa ng Korte. May apat na aspeto ang karapatan ng media na maglathala: 1. Kalayaan mula sa paunang pagsupil o pagkitil (“prior restraint”) 2. Kalayaan mula sa parusa dahil sa paglalathala (“subsequent punishment”) 3. Kalayaan na makakuha ng impormasyon 4. Kalayaan sa sirkulasyon, o pagpapakalat ng inilathala Kung may tanong ka tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado mula 8am hanggang 4pm…

  • TISYA HUSTISYA – Libreng Legal Advice

    Ang Tisya Hustisya ay binuo ng IDEALS Inc. dahil nakita ng organisasyon na wala o limitado ang access ng maraming Pilipino sa mga serbisyong legal. Bukod sa pagbibigay ng libreng legal advice, layunin din ng organisasyon na maipakilala at mapaintindi sa mga Pilipino ang ating mga karapatang pantao. Mag-PM lang sa amin para sa libreng legal advice! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado mula 8am hanggang 4pm tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline: 0953 382 6935 – Globe at TM 0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit…

  • Ano ba ang sinabi ng batas tungkol sa pagsasagawa ng mga rally?

    Ano ang kalayaan sa pagtitipon? Kasama ng ating kalayaan sa pamamahayag ay ang kalayaan ng taumbayan na mapayapang magtipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang karaingan [Art. III, Sec. 4, 1987 Constitution] Ang karapatan sa pamamahayag at sa mapayapang pagtitipon ang sinasabing pinakabasehan ng isang malaya at ganap na demokrasya, dahil kung wala ang dalawang kalayaan na ito, mawawalan ng saysay at proteksyon ang iba pang mga karapatan. May limitasyon ba sa kalayaan sa pagtitipon? Maaari lamang limitahan ng gobyerno ang oras, lugar, at paraan ng pamamahayag at pagtitipon. Hindi maaaring maglagay ng limitasyon sa mga sinasabi sa isang pagtitipon, maliban na lamang kung maipakita na may dulot…