Blog

ANU-ANO ANG ILAN SA MGA ITINUTURING NA ELECTION-RELATED OFFENSES?

1. Vote buying – ito ay tumutukoy sa pagbili ng boto kapalit ang pera o anumang bagay na may halaga, katulad ng pangako ng pagbibigay ng trabaho, prangkisa o pagbibigay ng gastusin sa indibidwal, grupo o korporasyon upang iboto ang isang kandidato

2. Vote selling – ito ay tumutukoy sa pagbebenta ng boto, kasama na ang paghingi o pagtanggap ng pera, o ang pagtanggap ng mga pangako katulad ng pagbibigay ng prangkisa, trabaho o gastusin kapalit ang pagboto sa isang kandidato

3. Pagpupustahan base sa kalalabasan ng resulta ng halalan – itinuturing na isang election offense at ipinagbabawal ang pagpupustahan patungkol sa magiging kalalabasan ng halalan. Ang mga pera o ari-arian na ginamit sa pustahan ay maaaring rematahin o kunin ng gobyerno

4. Pamimilit at pananakot upang iboto ang isang kandidato – itinuturing na isang election offense ang pamimilit, pandarahas, pananakot o anumang uri ng pag-pwersa sa isang tao na iboto ang isang kandidato.

Kasama dito ang pamimilit ng isang taong may mas mataas na katungkulan, lider ng mga religious organizations, mga may-ari ng lupa, employers at iba pa, na ginagamit ang kanilang katayuan o katungkulan upang pilitin ang kanilang mga nasasakupan na iboto ang isang kandidato.

5. Unlawful electioneering – ipinagbabawal ang paghingi ng boto o paggawa ng propagandang may kinalaman sa eleksyon, para o laban sa isang kandidato o partidong politikal, sa distansyang 30 metro mula sa polling precinct.

Source: Section 261, Omnibus Election Code

Kung may nais kang itanong tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya page. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas LUNES – BIYERNES mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM.

#TisyaHustisya

#RightsMoSagotKo

#Halalan2022