Ano ba ang sinabi ng batas tungkol sa pagsasagawa ng mga rally?
Ano ang kalayaan sa pagtitipon?
Kasama ng ating kalayaan sa pamamahayag ay ang kalayaan ng taumbayan na mapayapang magtipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang karaingan [Art. III, Sec. 4, 1987 Constitution]
Ang karapatan sa pamamahayag at sa mapayapang pagtitipon ang sinasabing pinakabasehan ng isang malaya at ganap na demokrasya, dahil kung wala ang dalawang kalayaan na ito, mawawalan ng saysay at proteksyon ang iba pang mga karapatan.
May limitasyon ba sa kalayaan sa pagtitipon?
Maaari lamang limitahan ng gobyerno ang oras, lugar, at paraan ng pamamahayag at pagtitipon. Hindi maaaring maglagay ng limitasyon sa mga sinasabi sa isang pagtitipon, maliban na lamang kung maipakita na may dulot itong malinaw at napipintong panganib sa seguridad ng bayan.
[Bayan v. Ermita, G.R. Nos. 158786, 19 October 2007]
Kung may tanong ka tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado mula 8am hanggang 4pm tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Pwede ka ring mag-text sa aming mga textline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun
PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm.