Ano ang Plain View Doctrine?
Isa sa mga natatanging pagkakataon kung saan maaaring magsagawa ng paghahanap o paghahalughog ang mga alagad ng batas kahit sila ay walang dalang search warrant. Ito ay maaari lamang gawin kung ang mga kontrabando ay makikita sa kanilang “plain view”. Ngunit, upang pumasok sa Plain View Doctrine ang paghahalughog, mahalaga na masunod ang mga sumusunod na rekisito:
1. Ang alagad ng batas ay nasa posisyon na makita at mamataan ang lugar kung saan natagpuan ang kontrabando (plain view);
2. Ang pagka-diskubre sa mga kontrabado ay hindi sinasadya;
3. Ang bagay na nakita ay mga kontrabando o ebidensya ng isang krimen.
Kung may nais kang itanong tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya page. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas LUNES hanggang SABADO mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM.
#TisyaHustisya
#RightsMoSagotKo
Source: People of the Philippines vs. Acosta, GR No. 238865