Blog

ANO ANG MGA ELEMENTO NG CYBERLIBEL?

1. Pagbibintang ng isang krimen, o ng bisyo o depekto, tunay o haka-haka, o anumang kilos, pagkukulang, kalagayan, katayuan, o pangyayari

2. Ito ay ginawa sa publiko o kung saan ang makakabasa o makakakita ay ang publiko

3. Ang pagbibintang ay nagmula sa isang masama o malisyosong hangarin

4. Ang pagbibintang ay naka-direkta sa isang tao, o sa isang juridical person o sa taong namayapa na

5. Ang pagbibintang ay naging sanhi ng kahihiyan, pagkasira o paghamak sa taong sinisiraan

6. Ang paninira ay ginawa sa pamamagitan ng computer device o iba pang mga electronic means na katulad nito

Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM.