Tisya Hustisya – Ano ang ibig sabihin ng VAWC o Violence Against Women and their Children?
Ito ay tumutukoy sa anumang gawain na maaaring magdulot ng pisikal, sekswal o sikolohikal na pinsala, o kaya naman ekonomik na pang-aabuso kabilang ang mga banta ng pambubugbog, panggagahasa, pamimilit, pangha-harass, o di makatwirang pagkakait sa kalayaan ng kahit sinong babae. Ang mga maaaring maparusahan sa paggawa ng mga nasabing akto ay ang asawa, dating asawa, karelasyon, ama ng kanyang anak, o sinumang lalake na ang biktima ay may sekswal na relasyon. Saklaw rin nito ang mga akto laban sa anak ng biktima, lehitimo man o labas, nasa tirahan man ng pamilya o hindi.
Kung ikaw ay may katanungan pa tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM mo lang ako!
Pwede ka rin na mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.