ANO ANG IBIG SABIHIN NG FLOATING STATUS?
Ayon sa D.O. 215, ang “suspension of employment relationship” o mas kilala bilang “floating status” ay maaaring ipatupad ng hindi hihigit sa anim na buwan, at maaaring dagdagan ng hanggang anim pa na buwan. Sa panahong ito, maaaring kumuha ng ibang trabaho ang empleyado kung naaayon ito sa napagkasunduan ng empleyado at ng kanyang kumpanya.
Ang pag-extend ng “floating status” ng isang empleyado ay dapat naayon din sa kasunduan sa pagitan ng nasabing empleyado at ng kanyang kumpanya, at sa oras na magkaroon ng kasunduan, kinakailangang ipaalam ito ng empleyado sa DOLE sampung araw bago ito magsimula.
Kung may tanong pa tungkol dito o kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.