Blog

ANO ANG CAMP 3 NG DOLE?

Ang COVID Adjustment Measures Program o CAMP 3 ay one-time Cash Aid na galing sa Department of Labor and Employment (DOLE)

Maaaring makakuha ng halagang 5,000 pesos ang mga manggagawa sa mga pribadong establisyimento na natigil sa trabaho o natanggalan ng trabaho, permanente man ang pagkakatanggal o pansamantala lamang, dahil sa COVID-19 dahil sa pagkakadeklara ng Alert Level 3 o mas mataas pa sa mga saklaw na lugar mula Enero 2022.

Tignan ang buong department order dito:https://www.dole.gov.ph/…/Department-Order-232-22…

Kung may katanungan ka pa tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2pm.