TISYA HUSTISYA – Mixed Work Arrangement
Ayon sa Expanded Solo Parents Welfare Act, maaaring magkaroon ng pag-uusap ang employer at ang empleyadong solo parent upang magkaroon ng mixed work arrangement alinsunod sa “Telecommuting Act”, at may prayoridad ang mga solo parents para dito.
Dagdag pa, hindi maaaring magkaroon ng diskriminasyon sa trabaho sa tanging kadahilanan ng pagiging solo parent ng empleyado.
(Sec. 7, Expanded Solo Parents Welfare Act, R.A. No. 11861)
Pwede ka ring mag-text sa aming mga textline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun
PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm.