Blog

TISYA HUSTISYA – Freedom of Expression

Ano ang SAKOP ng ating freedom of expression o karapatan sa malayang pamamahayag?

Malawak ang sakop ng ating freedom of expression at pasok sa kalayaang ito ang halos lahat ng uri ng komunikasyon, kagaya ng mga intelektwal at obhektibong mga diskurso o ang hindi pag-sang ayon sa politika, relihiyon, edukasyon, at mga interaksyon na may pribado o pampublikong interest, kasama ang iba’t ibang uri ng media.

Ano ang mga LIMITASYON sa kalayaang ito?

Ang “freedom of expression” ay bahagi ng ating demokrasya, ngunit, hindi ito dapat gamitin sa maling paraan katulad ng pagpapakalat ng paninirang puri, mga bastos at immoral na lenggwahe, o pagpapahayag ng mga kasinungalingan, fake news at iba pang impormasyon na nagpapakita ng kasamaan o ikasisira ng isang tao o komunidad.

Ang kalayaang ito ay maaari din malimitahan ng Estado (State) kung ang pananalita ng isang tao ay nakakasira na sa karapatan ng iba at nakakaapekto sa pangkalahatang kapanan ng mga mamamayan.

Kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya. Andito mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka! Bukas ang live chat kasama ang ating mga abogado mula 8am hanggang 4pm tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT at Sun

PAALALA: Ang cut-off sa pagtanggap ng mga katanungan ay hanggang 2pm, ngunit sasagot ang mga abogado hanggang 4pm.

*Source:

Chavez v. Gonzales, G.R. No. 168338, February 15, 2008; Lansang v. Garcia, 42 SCRA 448 (1971)

#RightsMoSagotKo

#TisyaHustisya